-- Advertisements --
image 347

Pinanatili ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang interest rate nito matapos na bumagal ang inflation rate sa ikaanim na sunod na buwan noong Hulyo.

Ayon kay BSP Governor Eli Remolona, pinalawig pa ng Monetary Board ang policy rate nito sa 6.25%.

Ang desisyon ng BSP para palawigin ang key policy rate nito ay kasunod ng data noong nakalipas na linggo na nagpapakita ng pagbagal ng paglago ng domestic economy noong ikalawang quarter na pinakamabagal sa halos 12 taon dahil sa pagliit ng government spending at paghina ng domestic demand.

Matatandaan na bumagal ang inflation o ang bilis o pagbagal ng presyo ng mga bilihin sa 4.7% noong Hulyo matapos na pumalo sa 14-year high na 8.7% noong Enero. Nananatili ding mas mataas ang inflation rate sa target ng gobyerno na 2% hanggang 4%.

Samantala, tinaasan naman ng BSP ang inflation forecast nito sa 5.6% mula sa 5.5% ngayong 2023 at sa 3.3% mula sa 2.8% para sa 2024.

Top