-- Advertisements --

Mahigpit na nakikipag-ugnayan ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa mga bangko sa rehiyon ng Visaya na naapektuhan ng bagyong Odette para makabalik na sila sa normal na operasyon.

Ayon sa BSP na pinapabilisan nila ang pagbabalik sa normal na operasyon ng mga bangko sa lugar.

Umaasa rin kasi ang mga bangko sa nabanggit na lugar ng tuluyang pagbabalik na ng suplay ng kuryente at internet para sila ay makabalik na rin.

Sa kasalukuyan kasi ay binawasan ng mga bangko ang oras ng kanilang operasyon sa mga naapektuhang lugar dahil sa maraming lugar pa kasi ang wala pang mga suplay ng kuryente at internet.