-- Advertisements --

Plano ngayon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na tanggalin na ang fees para sa mga aplikasyon ng mga electronic payment at financial services dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon sa BSP, na epektibo hanggang anim na buwan ito na magsisimula mula March 8.

Ang nasabing digital channels gaya ng online banking facilities at electronic money platforms ay aktibo para ma-access ang basic financial services at mabawasan ang physical presences ng mga kliyente.

Hinikayat din ng BSP ang mga kliyente ng bangko na magsumbong sa kanila sakaling sila ay sinisingil ng mga bangko.