-- Advertisements --

Pinawi ngayon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pangamba ng publiko hinggil sa naitalang 1.3 percent inflation rate para sa buwan ng Nobyembre.

Batay sa opisyal na pahayag ng BSP, inaasahan na nila ito dahil sa iba’t-ibang rason na pagmumulan ng paggalaw sa presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Pasok raw ito sa 0.9 percent to 1.7 percent na pagtaya sa monthy inflation.

“Headline inflation increased to 1.3 percent year-on-year in November 2019 from 0.8 percent in the previous month and was within the BSP’s expected range of 0.9 – 1.7 percent for the month. The resulting year-to-date average inflation rate of 2.5 percent remained well within the Government’s target range of 3.0 percent ± 1.0 percentage point for the year. Meanwhile, core inflation—which excludes selected volatile food and energy items to measure underlying price pressures—was steady at 2.6 percent in November from previous month’s level. Likewise, month-on-month seasonalIy-adjusted inflation was also unchanged at 0.2 percent in November compared to October rate,” saad ng BSP statement.

Ilan sa mga nakitaan ng pagtaas ng halaga ay ang ilang produktong pagkain, bayarin sa kuryente, housing rentals at iba pa.

Tiwala naman ang economic managers na hindi na papalo sa mas mataas na halaga ang inflation rate para sa buwan ng Disyembre.

Ang inflation rate ay ibinabase sa bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyong kinakailangan.