-- Advertisements --

Hinikayat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko na laging siyasatin ang mga perang nakukuha tuwing magwi-withdraw sa mga automated teller machine (ATM).

Sa nasabing advisory ng BSP na dapat ay isagawa ang tinatawag nilang “feel, look, tilt”.

Sa nasabing paraan ay maiiwasang ang mga tao na mabiktima ng mga pekeng pera.

Dapat aniya na agad na isumbong sa kanilang opisina o sa kapulisan sakaling mayroong natanggap na pekeng pera mula sa ATM.

Agad nila itong iimbestigahan at sakaling napatunayan na peke ang inilbas sa ATM ay kanila itong papalitan sa mga nakakuhang biktima.