-- Advertisements --
Ikinokonsidera ngayon ng Monetary Board ang pagdagdag slots para sa digital banking licenses.
Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Chuchi Fonacier, na tumataas na kasi ang demand ng mga tumatangkilik ng digital banking.
Kahit na buo na ang kanilang desisyon na buksan lamang sa apat na aplikasyon para sa bagong digital banking license sa Enero 1, 2025 ay bukas pa rin ang Monetary Board na dagdagan ito.
Ipapaubaya na lamang nila ang desisyon sa monetary board kung kanila itong dadagdagan.
Una ng tinanggal na ng BSP ang moratorium na ipinapatupad sa pagbibigay ng lisensya sa mga digital banking ay nais lamang nila ng hanggang 10 digital banks ang maaaring mag-operate sa bansa.