-- Advertisements --
Nagsasagawa na ng malalimang pag-aaral ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa planong gawing barya na lamang ang P20.00 bill.
Ayon sa BSP, lumabas kasi sa kanilang pag-aaral na ang P20.00 na perang papel ay siyang pinakagamit sa bansa.
Dahil sa palaging nagagamit sa transaksyon ang nasabing P20.00 ay madalang na ito o bibihira na itong maibalik sa BSP hindi tulad ng ilang mga denominations.
Magpupulong muna ang Committee on Currency Design and Enhancement ng BSP bago nila isumite sa monetary board ang desenyo na ang mag-aapruba ay ang pangulo ng bansa.