-- Advertisements --
Plano ngayon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na magkaroon ng offline digital payment solution.
Sinabi ni BSP Governor Benjamin Diokno na ito ang magiging kasagutan sa mga magbabayad na hindi na nangangailangan ng internet connections.
Dagdag pa nito na kailangan ang epektibo at maasahang internet connections ang digital finance ay isinusulong pa rin nila ang pagkakaroon ng mga offline payments.
Target kasi ng BSP na pagdating ng 2023 ay maililipat na sa digital payments ang mga negosyo sa bansa.