-- Advertisements --
Isinusulong ngayon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na tanggalin na ang One-Time Password para sa mga digital bank transactions.
Sinabi ni BSP Deputy Governor Elmore Capule, na ang OTP ay kadalasang inaabuso at ginagamit pa minsan sa panloloko.
Nagsisimula ng maging hindi epektibo ito dahil sa mga pagbabago sa teknolohiya na kayang-kayang magamit sa scam.
Naghahanap na sila ngayon ng ibang kaparaanan at makabagong teknolohiya para maging ligtas ang digital bank transactions.
Hinikayat din nila ang mga bangko na maghanap ng ilbang mga mas matibay na paraan na ipapalit sa mga OTP.
Paglilinaw nito na ang pagtanggal ng OTP ay marami pang pagdadaanan at ito ay hindi agad na maipapatupad.