Posibleng managot ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) dahil sa pagpapa-imprenta ng national ID cards sa pribadong kumpanya na Allcard incorporated, ayon kay Senadora Grace Poe.
Sa budget deliberation ng National Economic and Development Authority at attached agencies nito para sa 2025, sinabi ni National Statistician Dennis Mapa na labag ito sa Memorandum of Agreement ng Philippine Statistics Authority o PSA at ng BSP.
Napagkasunduan aniya na magbabayad ang PSA sa BSP para sa pag-iimprenta ng national ID cards at sa kanilang kasunduan, bawal i-subcontact ng BSP o ipagawa sa iba.
Naglabas sila aniya ng P1.4 bilyon sa BSP para sa pag-imprenta ng mga card na nagkakahalaga ng P50 bawat isa.
Ito aniya ay humigit-kumulang 90 percent ng 55.5 milyong card na kanilang napagkasunduan na mai-print.
Sinabi rin ni Atty. Anileto Boleche Jr. ng Commission on Audit na nakaasad ang pagbabawal sa subcontracting sa resolution ng bids and awards committee, kaya nung nalaman nilang ang ginawa ng BSP, tinawagan nila ng pansin ang PSA.
Kalaunan, sinabi ni Poe na Allcard din ang contractor na naging dahilan ng pagkaantala sa pag-imprenta ng driver’s license cards ng Land Transportation office (LTO).
Nakasisugiro si Poe na sisilipin aniya ito ng mga senador kung saan ang daming reklamo sa mga ids at drivers license.
Gayunpaman, nakikipag-ugnayan na raw ang PSA sa ibang service provider para sa pagpapagawa ng kulang pang national IDs.