-- Advertisements --
BSP FSCC ben diokno

Nagpaalala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa lahat ng mga bangko o financial institutions na agad na sundin ang itinatadhana ng bagong batas na dalawang buwan na puwedeng hindi muna bayaran ang pagkakautang.

Sa ipinalabas na memorandum ni BSP Gov. Benjamin Diokno, sinabi nito na ang 60-days na grace period sa mga loans ay nakapaloob sa Bayanihan 2 law na epektibong naging batas simula September 15.

Batay sa Bayanihan to Recover As One o kaya Bayanihan 2 law, sakop ng batas ang lahat nga mga institusyon sa bansa na tuparin ang mandatory one-time 60-day grace period sa mga kasalukuyan o current at outstanding loans.

Nagpaalala naman ang BSP na maaari namang lumampas pa sa 60-days ang grace period nang pagbabayad ng interes o kaya naman ay utay-utay kahit higit pa sa December 31, 2020 depende sa kanilang mapagkakasunduan.

“The mandatory one-time 60-day grace period shall apply to each loan of individuals and entities with multiple loans,” bahagi ng memorandum ni Diokno.