-- Advertisements --
Suportado ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang panukalang mandatory registration ng mga sim cards.
Ito ay para malabanan ang dumaraming kaso ng panloloko, spam o phishing text messages.
Sinabi ni BSP Governor Benjamin Diokno na ang pagtaas ng kaso ng phishing at cyber-attacks ay hindi inaasahan.
Tumaas aniya ang nasabing kaso dahil sa dumami na rin ang mga gumagamit ng mga digital payments and banking mula ng maganap ang COVID-19 pandemic.
Naging problema sa bansa ang madaling makabili ng mga sim cards ng bawat tao.
Pinaalalahanan na lamang nito ang mga mamamayan na protektahan na ang kanilang mga passwords at iwasan na lamang pumatol sa mga kahina-hinalang mga text messages.