Nakatakdang subukan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga perang gawa sa plastic na materyales o tinawag na “polymer banknotes”.
Sa nasabing paraan kasi ay mas makakatipid pa sila bukod pa sa matibay ay pangmatagalan pa ang buhay nito.
Nakikipag-ugnayan na rin ang BSP sa mga iba’t-ibang ahensya ng gobyerno na tulungan ang mga manggagawa ng abaca dahil tiyak na maapektuhan ang mga ito kapag lumipat na sa “polymer banknotes” ang gobyerno.
Mula pa kasi noong 2001 ay nagbibigay na ng mga raw materials ang mga local abaca industry para sa paggawa ng mga pera.
Naghahanda na sila sa limitadong circulation test ng polymer version ng P1,000 para makita ang benepisyo nito sa bansa.
Dito masusubukan ang epekto nito sa hygiene at public health, environmental sustainability ganun din ang itatagal nito.
Isa ring paraan aniya ito para matigil na ang pamemeke ng pera dahil gumagawa na rin ng paraan ang mga sindikato para makopya ang mga pera ng bansa.