Nagpahayag ngayon ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng kanilang planong tanggalin na ang mga fees sa small-value fund transfers kabilang na ang pagpapababa sa reserve requirement ng mga local lenders.
Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Felipe Medalla, handa raw ang central bank na makipag-ugnayan at makipagtulungan sa mga banking industry na ma-incentivize ang mas maraming Pilipino na gumamit ng digital payments.
Inihalimbawa ni Medalla dito ang P15 fee-charge ng ilang bangko para sa interbank transfers.
Kaya naman handa raw ang central bank na makipag-collaborate sa mga bangko at payment system operators para ma-explore ang cost-sharing system na magtatanggal sa maliliit na transaksiyon sa ganitong mga uri ng fees.
Ang reserve requirement ay ang amount ng cash na kailangang hawakan ng isang bangko sa kanyang reserve laban sa mga deposits na ginagawa ng mga customers sa Pilipinas.
Sa kasalukuyan ay nasa 12 percent ito at isa sa mga pinakamataas sa rehiyon.
Noong nakaraang taon, sinani ni Medalla na ang reserve requirement ratio (RRR) ng mga malalaking bangko ay puwede pa raw babaan sa single digit sa pagtatapos ng kanyang termino sa buwan ng Hulyo kapag napahupa na ang inflation sa naturang buwan.
Kung maalala, noong Enero ay naitala ang 14-year-high inflation na nasa 8.7 percent,
Mas mataas ito sa projection ng central bank na range na 7.5 percent hanggang sa 8.3 percent at ang target range na 2.0 percent hanggang sa 4.0 percent.
Inaasahan naman daw na maaabot ang target range ng inflation sa ika-apat na quarter ng taon na 6.1percent.
Kung malaalala, si Medalla nagsisilbi ngayon sa unexpired term ng kanyang predecessor at kasalukuyang Finance Secretary Benjamin Diokno.
Si Diokno ay sumalo rin sa nalalabing termino ni dating Governor Nestor Espenilla, Jr. na namatay noong Pebrero 2019.
Sinabi noong 2017 ni Espenilla na nais nitong makita ang reserve requirement na maibaba sa kalahati sa ilalim ng kanyang panunungkulan.