-- Advertisements --
Target ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na tapusin sa buwan ng Oktubre ang imbestigasyon nila sa isyu ng ghost employee.
Ayon kay BSP senior assistant governor and general counsel Elmore Capule na mayroong pang mga nagaganap na proceedings.
Noong Marso kasi ay naghain ang BSP ng administrative disiplinary cases.
Maari nilang ibahagi sa publiko ang ginawa nilang imbestigasyon subalit magiging limitado ang ilang impormasyon dahil sa nasasaayon ito sa Data Privacy Act.
Ang ginagawang imbestigasyon na ito ng BSP ay para matiyak ang transparency at accountability.