-- Advertisements --

Umalis na ang Bangko Sentral ng Pilipinas sa kontrata nito sa supplier ng national ID.

Sinabi ni Finance Secretary Ralph Recto, na bilang Monetary Board Member na ang desisyon ay dahil sa hindi pag-comply ng supplier sa nakasaad sa kontrata.

Nagpahayag naman ng suporta ang Philippine Statistic Authority sa pasya na ito ng BSP.

Paglilinaw naman ng PSA na magpapatuloy pa rin ang pag-iisyu ng mga ID.

Pinayuhan din ng PSA ang publiko na bukod sa physical na ID ay maaring maidownload ito sa ibang formats.