-- Advertisements --
Naniniwala ang Bangko Sentral ng Pilipinas na maaring humina ang inflation noong buwan ng Enero.
Ayon sa BSP na maaring maglaro lamang sa 2.8 percent ang inflation noong nakaraang buwan.
Malalaman ito bago ang pag-uulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa darating na Pebrero 5.
Noong Disyembre kasi ay mayroong 2.9 percent ang naitalang inflation.
Sakaling maglaro mula 2 hanggang 4 percent ay pasok pa rin sa target na ito ng BSP.