-- Advertisements --
Kumpiyansa ang Bangko Sentral ng Pilipinas na aangat ang inflation sa Hulyo mula 4 hanggang 4.8 percent.
Ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng mataas na inflation forecast ang BSP kada buwan na kadalasan ay naglalaro lamang mula 2 hanggang 4 percent.
Noong Hunyo kasi ay bumagal ang inflation ng 3.7 percent mula sa 3.9 percent noong Mayo.
Naging susi sa pagtaas ng inflation ay ang mataas na singil sa kuryente at pagtaas sa presyo ng mga gulay, karne at mga prutas ganun din ang mataas na domestic oil prices.