-- Advertisements --

Todo umano ang pagbabantay ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa nagaganap na Russia-Ukraine crisis lalo na ang epekto nito sa ekonomiya ng Pilipinas.

Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, kung tutuusin wala namang gaanong investments ang naturang mga bansa sa mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) pero ang nagaganap na gulo ang siya namang nakakaapekto sa domestic oil prices.

Sa paniniwala ng BSP, mas mahirap para sa mga oil-importing countries tulad sa Pilipinas ang naturang pangyayari.

Sinabi pa ni Diokno, kung hindi magtuloy tuloy sa $95 kada bariles ang presyuhan sa world market ay walang mangyayaring disaster sa Pilipinas.

Payo pa ng opisyal, ang mas dapat umanong alalahanin ay ang makakain ng tao at hindi ang langis dahil hindi naman ito ang maituturing na pinakamalaking consumption index ng mamamayan.