-- Advertisements --
Walang balak ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na baguhin ang monetary policy rate.
Ayon kay Finance Secretary Ralph Recto, na hindi pa napapanahon na bawasan ang 17-year high na 6.5 percent.
Ilan sa mga nakikita nitong kadahilanan ay dahil sa patuloy na pagbilis ng inflation sa bansa.
Mula kasi noong Abril ay naging 3.8 percent ang inflation rate mula sa 3.7 percent.
Kasama rin sa naging sanhi nito ang mataas na presyo ng bilihin at ang pananalasa ng El Nino sa bansa.