-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Korean group na BTS at Coldplay na sila ay magtatanghal sa American Music Awards.

Sa kanilang social media ay inanunsiyo ng BTS na kakantahin nila ng Coldplay ang “My Universe”.

Nominado kasi ang BTS ng tatlong awards ito ay ang favorite pop group, artist of the year at favorite pop song na “Butter”.

Inanunsiyo din nila ang pagkanta ng hit song nila na “Butter” sa AMA kasama si Megan Thee Stallion.

Gaganapin ang AMA sa Nobyembre 22.