Binisita ng Korean group na BTS ang Metropolitan Museum of Art sa New York.
Isinagawa ang grupo ang pagbisita matapos ang ginawa nilang talumpati sa 76th United Nation General Assembly.
Nagbigay din ang nasabing grupo ng artwork bilang regalo mula sa gobyerno ng South Korea.
Sa larawang ibinahagi ng Met ay makikita ang pitong miyembro ng BTS kasama sina South Korean First Lady Kim Jung Sook at Minister of Culture, Sports and Tourism Hwang Hee.
Ibinigay ng grupo ang isang artwork na gawa ng kilalang lacquer artist sa Korea na si Chung Haecho.
Tinawag na “Rhythm of the Five Color Luster” ang nasabing art na mayroong limang bangka na may kulay pula, itim, dilaw, pula at asul na nagrerepresenta ng tradisyunal na Korean color spectrum na ginawa noong 2013.