-- Advertisements --

Itinalaga ni South Korean President Moon Jae-in ang K-pop group na BTS bilang “Special Presidential Envoy for Future Generations ang Culture”.

Dahil dito ay magiging representatives ng South Korea sa mga mahahalagang isyus ni Moon para sa global agenda para sa future generations kabilang ang sustainable growth.

Dadalo rin ang grupo sa 76th United Nation General Assembly sa New York sa darating na Setyembre 14 hanggang 21.

Inaasahan na magiging laman ng kanilang mensahe ang pagbibigay ng kaginhawaan at pag-asa sa mga kabataans a buong mundo.

Sa kasalukuyan ay mayroong kampanya ang BTS sa United Nations Children’s Fund (UNICEF) na tinawag na Love Myself na siyang lumalaban sa karahasan laban sa mga kabataan sa buong mundo na nakalikom ng $2 milyon na pondo.