-- Advertisements --

Dinomina ng Korean group na BTS ang American Music Awards.

Ito ay matapos na makakuha ng tatlong parangal kabilang ang top award na artist of the Year.

Sa ginanap na 49th Annual AMAs sa Microsoft Theater sa Los Angeles hindi akalain ng grupo na makukuha nila ang nasabing award.

Sila rin ang kauna-unahang Asian na nanalo ng artist of the year ng nasabing parangal.

Nakatunggali kasi nila ang ilang mga sikat na pangalan sa musika gaya nina Ariana Grande, Drake, Olivia Rodrigo, Taylor Swift at The Weeknd.

Bukod sa artist of the year ay nakuha rin ng grupo ang favorite duo o grupo at ang favorite pop song sa kanta nilang “Butter”.