-- Advertisements --

Labis na ikinatuwa ng BTS fans matapos na sinamahan ni Jimin ang solo fan meet sana ni V.

Sa unang anunsiyo kasi ay magiging mag-isa lamang ng BTS member na si V para harapin ang nasa 1,400 na dumalo sa event sa Kyung Hee University Global Campus sa Yongin, Gyeonggi Province.

Subalit laking tuwa nila ng makita ang pagdalo ng isang BTS member na si Jimin.

Ang nasabing special picnic ay bilang pasasalamat niya sa tumangkilik ng kaniyang solong kanta na “Layover”.

Ilang mga aktibidad ang isingawa ni V kasama ang mga fans gaya ng palaro, sayawan at pagkanta.