-- Advertisements --

Dinagsa ng BTS fans ginawang personal na pakikipagkita ni BTS member Jin.

Matapos ang kasi ang 18-buwan ay nakalabas nito sa mandatory military service kung saan agad na inanunsiyo nito ang pagkakaroon agad ng pakikipagkita sa mga fans.

Mayroong 1,000 na mga fans ang napili sa raffle na mayakap ang singer.

Ang 31-anyos na si Jin ay pinakamatandang miyembro ng grupo kung saan noong Disyembre 2022 ay pumasok siya sa mandatory military service.

Kasalukuyang nasa military services ang ilang mga miyembro nito gaya nina J-hope, V, RM, Jimin, Jung Kook at Suga.