-- Advertisements --

Tinapatan ng mga fans ng K-pop group na BTS ang donasyon ng kanilang idolo sa Black Lives Matter movement.

BTS
BTS/ IG POST

Nagbigay kasi ng donasyon na aabot sa $1 milyon ang grupo para sa nasabing movement na layon ay para matigil na ang nagaganap na racism laban sa mga black American.

Ang nasabing Black Lives Matter campaign ay itinaguyod sa US matapos ang kamatayan ng black American na si George Floyd sa kamay ng mga kapulisan ng Minneapolis.

Mula ng ianunsiyo ng grupo ang kanilang donasyon ay nagpasya ang kanilang fans sa buong mundo na tapatan ang nasabing donasyon.
Ang fans na tinawag na ARMY ay nag-trending pa sa Twitter na #MatchAMillion.

Sa loob lamang ng 24 na oras ay nakapagtala na ang grupo ng $817,000.

Ang South Korean pop group na may pitong miyembro ay matagumpay sa kanilang career kung saan sumikat ang kanilang kanta sa iba’t-ibang panig ng mundo.