-- Advertisements --

Pasok sa listahan ng pinakamayamang tao sa South Korea ng Forbes ang nagtayod ng Korean group na BTS.

Nasa pang-16 sa 50 Richest people ni Korea si Bang Si-hyuk.

Founder and chief executive officer siya ng Hybe Corp na mayroong kabuuang yaman na $2.7 billion.

Si Bang o kilala din bilang Big Hig Entertainment ay nagsimula sa South Korea stock market noong Oktubre 2020.

Ang 48-anyos na si Bang o kilala din bilang “Hitman” Bang ay nagsimula ang career bilang music producer sa JYP Entertainment.

Taong 2005 ng itaguyod nito ang Big Hit kung saan sumikat dito ang BTS noong 2013.