-- Advertisements --

Humakot ng apat na awards mula sa MTV Europe Music Awards (EMA) ang K-pop group na BTS.

Ilan sa mga award na kanilang nakuha ay ang Best Song category sa kantang “Dynamite”, Best Virtual Live para sa concert na ginanap online, Best song prize at Best Group and Biggest fan.

Ilan sa mga nakalaban ng grupo sa Best Song ay ang DaBaby sa kantang “Rockstar”, at “Don’t Start Now” ni Dua Lipa at Roddy Ricch.

Pinasalamatan ng grupo ang kanilang mga fans sa buong mundo dahil sa walang sawang pagtangkilik sa kanilang mga kanta.

Anila na patuloy silang magtatrabaho para sa kanilang mga fans.