-- Advertisements --

Humakot ng award sa 2021 Billboard Music Awards ang Korean group na BTS.

Mayroon kabuuang apat na award ang kanilang nakuha.

Ito ay kinabibilangan ng Top Selling Song dahil sa kantang “Dynamite”, Top Duo/ Group, Top Social Artist sa loob ng limang taon na magkakasunod at ang Top Song Sales Artist.

Sa unang pagkakataon ay kinanta nila ng live ang bago nilang hit song na “Butter”.

Lubos naman ang pasasalamat nila sa mga fans dahil sa mga pagkilala na kanilang nakamit.