-- Advertisements --

Labis na pananabik ang nararamdaman ngayon ng mga fans ng global korean boy group na BTS dahil inilabas na ang video teaser nila para sa kantang “Boy With Luv” kasama ang American singer-songwriter na si Halsey.

Inilabas kahapon ng BigHit Entertainment, talent agency ng nasabing grupo, ang video teaser sa kanilang official youtube account.

Ang “Boy With Luv” ay magsisilbing title song ng BTS sa kanilang bagong album na “Map of the Soul: Persona” na inaasahang lalabas na sa April 12, Biyernes.

Ang album na ito ay unang single ng grupo ngayong taon at unang collaboration kasama si Halsey.

Sa nasabing teaser ay makikita si Halsey na isinasara ang ticket booth ng tila isang makalumang sinehan bago dumaan sa harapan ng pitong miyembro ng grupo.