-- Advertisements --
BTS
BTS/ IG POST

Inilapit na sa South Korea police ng record label na humahawak sa K-pop group na BTS dahil sa mapanirang social media post.

Ayons a Big Hit Entertainment, na hindi nila palalagpasin ang mga negatibong social media post na nakakasira sa grupo.

Hindi naman na binanggit pa ng kumpany ang nilalaman ng nasabing post.

Sa inilabas na pahayag ng kumpanya na mahigpit nilang binabantayan ang mga social media at message board post ng grupo at kapag may mga personal na atake ay kanila itong pinapaimbestiga sa mga otoridad.

Nagsasagawa na ang mga kapulisan ng imbestigasyon sa insidente.