-- Advertisements --

Nakapag-uwi ng apat na award sa 2021 Mnet Asian Music Awards (MAMAs) ang Korean group na BTS.

Ito na ang pangatlong sunod na taon ng magwagi ang grupo ng lahat ng major categories.

Nakuha nila ang “Artist of the Year”, “Worldwide Icon of the Year”.

Nagwagi rin ang kanilang album na “BE” bilang album of the year at ang kanta nilang “Butter” bilang song of the year.

Nakuha rin nila ang best male group habang ang grupong TWICE ay best female group.