-- Advertisements --

Pangugunahan ng Korean group na BTS ang 10th anniversary special concert ng iHeart Radio Music Festival.

https://www.instagram.com/p/CC56-afAihU/

Gaganapin ang nasabing concert sa Setyembre 18 at 19.

Magiging host sa nasabing kasiyahan si Ryan Seacrest kung saan kabilang na magpe-perform sina Usher, Coldplay, Keith Urban, Miley Cyrus, Khalid at maraming iba pa.

Bilang pagsunod sa health at safety regulations ang mga performance ay na-record na sa Los Angeles at Nashville sa harap ng mga virtual audience.

Magkakaroon ang mga fans ng virtual greeting sa kanilang mga paboritong singers.