-- Advertisements --

Nakatakdang magsagawa ng ‘offline at online concert’ ang Korean boy band na BTS.

Ayon as Big Hit Entertainment, isasagawa ang nasabing concert ng grupo sa Oktubre.

Isa umanong online streaming at offline performance event ang “BTS MAP OF SOULE ON:E” sa darating na Oktubre 10 at 11.

Hindi pa inanunsiyo ng grupo kung saan gaganapin ang nasabing concert pero pagtitiyak ng organizer na kanilang mahigpit na ipapatupad ang health protocols.