-- Advertisements --

Nakamit ng Korean pop group na BTS ang kanilang unang Guinness World Record ngayong 2022.

Kinabibilangan ito ng most followers on Instagram para sa music group, most followers sa TikTok sa music group at most followers sa Twitter sa isang music group.

Ito ay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mahigit 60 milyon followers sa Instagram.

Ang miyembro nito na si V ang may record na pinakamabilis na nakakuha ng 1 milyon followers sa Instagram sa loob lamang ng 43 minuto ganun din ang pinakamabilis na nakakuha ng 10 milyon followers sa Instagram sa loob ng apat na oras at 52 minuto.

Itinuturing din ang grupo bilang most followed musical act sa Tiktok na mayroong 45.7 milyon mahigit.

Sa Twitter din ay nangibabaw ang grupo na mayroong mahigit 40-M followers.