-- Advertisements --

Magsasagawa ang Korean group na BTS ng worldwide “Permission to Dance” challenge.

Inanunsiyo ng sikat na Korean Group ang nasabing challenge na gagawin sa You Tube Shorts.

Gagamitin ng nasabing mga sasali ng feature ng Youtube at dapat na maisumite ito ng hanggang Agosto 14.

Personal na pipiliin mismo ng grupo ang mananalo at kanila itong ilalagay sa kanilang music video.

Ang “Permission To Dance” ay siyang pinkabagong kanta ng grupo.