-- Advertisements --

Nakatakdang lumabas na mula sa military training si BTS member J-Hope.

Ayon sa kaniyang agency na BigHit Music na sa darating na Oktubre 17 ay tuluyang makakalabas ito sa mula sa military training.

Nanawagan ang mga ito sa fans na huwag ng magtungo sa military camp dahil sa walang anumang isasagawang programa.

Maaring ipadala na lamang sa kanilang social media ang mga pagbati kay J-Hope.

Si Jung Ho-seok o J-Hope ay pangalawang miyembro ng BTS na makakalabas na sa military training kasunod ni Jin.

Nagsimula ang kaniyang training noong Abril 2023.