-- Advertisements --

Nagpositibo sa COVID-19 ang isa sa miyembro ng Korean boy group na BTS na si Jimin.

Dinapuan lamang ito ng virus matapos na ito operahan dahil sa acute appendicitis.

Ayon sa ahensiya na may hawak sa grupo na Big Hit Music na nakaranas ng pananakit sa tiyan at ganun din sa kaniyang lalamunan kaya agad itong nagpasuri sa pagamutan.

Pagdating sa pagamutan ay doon nakumpirma na nagpositibo siya sa COVID-19.

Patuloy na itong nagpapagaling habang wala naman itong nakasalamuha sa mga miyembro ng grupo.