-- Advertisements --

Masayang inanunsiyo ng BTS member na si Jin na personal na makakasalamuha ang mga fans.

Ayon sa BigHit Entertainment na magsasagawa ng in-person event para sa BTS FESTA ang taunang pagdiriwang ng anibersaryo ng grupo.

Isasagwa ang fan meet ni Jin sa June 13 sa Jamsil Arena o isang araw matapos na makumpleto nito ang kaniyang mandatory military service.

Hahatiin sa dalawang bahagi ang nasabing fan meet na unang session ay “Jin’s Greetings” at ang “Message from Jin”.

Magugunitang mula pa noong nakaraang taon ay pansamantalang nagpahinga ang grupo dahil sa ang mga miyembro nila sumailalim sa mandatory military service.