-- Advertisements --

Magsisilbing torchbearer si Kim Seokjin o mas kilala bilang Jin na miyembro ng sikat na South Korean K-pop boy band group na BTS para sa 2024 Paris Olympics.

Nakatakdang bumiyahe patungong France ang Kpop idol para makilahok sa Summer Olympic torch relay na magsisimula sa Hulyo 26 base sa isang music industry source.

Matatandaan na na-enlist ang BTS member noong December 2022 para sa mandatory military service at noon lamang June 12, ay na-discharge ito matapos makumpleto ang 18 buwang military service.

Si Jin din ang pinakaunang miyembro ng BTS na nakakumpleto ng mandatory military service.

Samantala, ang inaabangang Summer Olympics ay isang major international multi-sport event na karaniwang ginaganap kada 4 na taon. Ngayong 2024, idaraos ito sa Paris, France mula July 26 hanggang Agosto 11 kung saan inaasahang nasa 10,500 atleta mula sa 206 National Olympic Committees (NOCs) ang sasabak sa naturang Olympic competition.