-- Advertisements --

Nakalabas na sa pagamutan si BTS member Park Jimin matapos ang paggaling nito ng dapuan ng COVID-19.

Ayon sa music agency na may hawak sa kaniya na Big Hit Music na nag-negatibo na siya sa RT-PCR test bago ito tuluyang makalabas sa pagamutan.

Wala aniya itong naranasang anumang sintomas mula ng makalabas sa pagamutan.

Magugunitang nagpositibo si Jimin sa COVID-19 noong Enero 30 at mula noong ay ito ay naka-isolate.

Labis naman ang pasalamat nito sa mga fans na nagpaabot ng pagdarasal para sa agaran niyang paggaling.