-- Advertisements --

Nagpositibo sa COVID-19 ang BTS member na si V.

Ayon sa agency na may hawak sa grupo na BigHit Music na nakaranas ng pananakit sa lalamunan si V kaya ito nagtungo sa pagamutan.

Matapos na sumailalim sa PCR test ay doon lumabas na nagpositibo na siya sa COVID-19.

Kasalukuyan na itong nagpapagaling sa kanilang bahay at hinihintay na lamang nito ang magiging payo ng mga health experts.

Naturukan umano na ito ng dalawang dose ng COVID-19 vaccine kaya naging hindi gaano grabe ang sintomas nito.

Hindi naman nakitaan ang anumang sintomas ang ilang mga miyembro ng grupo.