-- Advertisements --

Nakapagtala ng Guinness World Record ang isang miyembro ng Korean group na BTS na si V.

Ayon sa Guinness World Record, mabilis na nakakuha ng 1-million followers at 10 milyon followers sa social media site na Instagram.

Mula kasi ng ilunsad nito ang kaniyang IG account ay mayroon na agad na 1 milyon followers sa loob lamang ng 43 minuto.

Matapos ang apat na oras at 52 minuto ay pumalo na sa 10 milyon ang followers nito.

Madalas kasing napapalitan ang mga celebrities na mayroong mabilis na makakuha ng 1-milyon followers.

Mula ng ilunsad ng bawat miyembro ng grupo na sina RM, Jin, Suga, J-Hope, Jimin at JungKook ay umabot na sa mahigit 20 milyon ang kanilang mga followers.