-- Advertisements --

Kinagiliwan ng mga fans ng BTS member na si Kim Taehyung o kilala bilang si V ang paglabas niya ng bagong video.

Sa kaniyang social media ay sinurpresa nito ang mga fans ng maglabas ng video habang nasa military training.

Ipinakita nito ang galing niya sa pagsasayaw kasama ang ilang mga sundalo.

Mabilis agad ito na tinangkilik ng fans kung saan umabot agad ito ng 10-milyon views sa loob lamang ng ilang oras.

Magugunitang lahat ng miyembro ng BTS na sina V, RM, Jin, Suga, J-Hope at Jungkook ay kasalukuyang nasa mandatory military training.