Humingi ng paumanhin si BTS member na si Suga matapos na mahuling nasa impluwensiya ng alak habang nakasakay ng electric scooter.
Sa social media account nito ay inihayag ang pangyayari.
Galing umano ito sa isang kainan at aminadong uminom ng alak subalit umuwi ito habang lulan ng kaniyang electric scooter.
Hindi niya inakala na may kalayuan ang distansiya ng kaniyang bahay at aminadong nalabag niya ang batas trapiko.
Natumba pa kasi ito habang ipinaparada niya ang electric scooter sa harap ng kaniyang bahay.
Dumating ang mga kapulisan at sinukat ang kaniyang alcohol level kung saan siya ay minultahan at sinuspendi ang lisensya nito.
Kinakailangan kasi na magkaroon ng lisensiya sa South Korea ang mga nagmamaneho ng mga electric scooters.
Giit pa ng 31-anyos na BTS member na wala ito ng natamong sugat at anumang nadamay sa insidente.
Nagsalita naman ang kaniyang agency at sinabing maaaring maharap ang singer ng disciplinary action dahil siya ay nagsisilbi bilang social service agent.
Maraming fans naman ang grupo ang nagpaabot ng kalungkutan habang ang iba ay binatikos ito dahil sa tagal nitong mag-update sa kanila ay ito pang kapabayaan sa pagmamaneho ng electric scooter.