-- Advertisements --

Pinatawan ng $11,500 na multa si BTS member Suga dahil sa pagmamaneho nito habang nasa impluwensya ng alak.

Ang singer na si Min Yoon-gi sa tunay na buhay ay naaresto noong Agosto ng mga kapulisan dahil sa pagmamaneho ng kaniyang scooter habang nakainom.

Nadiskubre lamang ito ng mga kapulisan noong siya ay natumba malapit sa kaniyang bahay sa Seoul.

Lumabas sa pagsusuri na ang kaniyang blood alcohol level ay 0.227 percent na mas mataas sa 0.8% na minimum.

Una ng humingi ng paumanhin ang singer sa kaniyang fans at sinabing hindi na uulitin ang insidente.

Nawala rin sa isip niya na bawal din palang gumamit ng scooter habang ito ay nakainom.

Umani naman ng batikos sa ilang fans kung saan nanawagan sila na dapat umalis na sa grupo dahil sa dinudungisan lamang nito ang BTS.