-- Advertisements --

Ipinasilip ng BTS member na si V ang kaniyang bagong gupit na buhok.

Sa kaniyang social media account ay nagpost ito ng larawan ng mga ginupit na buhok na nasa sahig.

Paniwala ng mga fans na ito ay bahagi ng kaniyang paghahanda sa pagpasok sa military service.

Magugunitang inanunsiyo ng kanilang agency na papasok na sa mandatory military duties ang BTS members na sina RM, Jimin, V at Jungkook.