-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Korean group na BTS na sila ay naturukan na ng COVID-19 vaccine.

Ibinahagi ng grupo ang nasabing balita sa kanilang talumpati sa United Nations General Assembly (UNGA).

Ayon sa isang miyembro nito na si Jung Hoseok o kilala din bilang si J-Hope na ang bakuna ay tila ticket nila para makasalamuha ang kanilang mga fans.

Dahil dito ay umaasa ang isa pang miyembro na si Kim Taehyung o si V na makita na nila sa personal ang lahat ng mga fans.

Sa kanilang talumpati, sinabi ng mga members ng grupo na sina RM, V, J-Hope, Jin, Jimin, Jungkook at Suga na hinikayat nila ang lahat lalo na ang mga kabataan na tignan ang kinabukasan ng may pag-asa sa puso at tanggapin ang mga bagong hamon at pagbabago.

Kasamang dumating sa New York ang K-pop Group si South Korean President Moon Jae In matapos na italaga sila bilang Special Presidential Envoys for Future Generations and Culture.