-- Advertisements --
Pinagsisilbi ng South Korean government sa military ang K-pop group na BTS.
Ito ay kasunod ng panawagan ng fans ng grupo na kung maari ay hindi na sila manilbihan sa military dahil sa kasikatan na nila.
Nakasaad sa batas ng South Korea na dapat manilbihan ng hanggang dalawang taon ang bawat binata dahil sa kakulangan ng bilang ng mga sundalo ng kanilang bansa.
Magsisimula ng kaniyang military service ang pinakamatandang miyembro ng grupo na si Jin sa darting na Abril 2020.